Sabado, Enero 26, 2013

Ang Magagandang Tanawin sa Norzagaray



       Alam niyo ba ang tungkol sa lugar na "Norzagaray,Bulacan" ? Kung hindi pa ay halika, ipapakita at ipapaliwanag namin sa inyo ang kagandahan ng lugar na ito.

       Ang Norzagaray ay matatagpuan sa Gitnang Luzon o Rehiyon III. Ang Lugar na ito ay Rural o probinsya. Napakasariwa ng hangin dito, at hindi katulad sa Maynila na puro polusyon. Ang Bayan ng Norzagaray ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 76,978 katao sa 15,912 na kabahayan. Ang bayan ng Norzagaray ay nahahati sa 13 mga barangay: Bangkal, Baraka, Bigte, Bitungol, Matictic, Minuyan, Partida, Pinagtulayan, Poblacion, San Mateo, Tigbe, San Lorenzo at Friendship Village Resources (FVR).
                                                                               

      Sa Norzagaray,Bulacan ay marami tayong makikitang mga magagandang tanawin na nagmula sa ating kalikasan tulad ng Bakas, Bit-Bit River, Pinagrealan Cave at marami pang iba. At meron ding mga lugar na itinayo para sa Norzagaray tulad ng St. Andrew's Parish Church, Ipo Dam, Munisipyo, Holcim at marami pang iba. Ito ang ilang impormasyon pra sa mga lugar na ito.


BAKAS RIVER 





       



       Ang Bakas ay isang lugar na masayang puntahan at bisitahin. Merong nakatagong kwento sa mga bato na parang mga bakas ng paa, tungkol sa isang higante na si Bernardo Carpio kasama ang kanyang alaga na tumawid dito at nakaiwan ng BAKAS, kaya ito ay tinawag na bakas. Isa ito sa mga mgagandang tanawin sa Norzagaray. Ito ay matatagpuan sa Barrio, Matictic. Masarap magpahinga dito at makalanghap ng sariwang hangin. Magandang puntahan ito kasama ang iyong pamilya, o mga kaibigan. Halika na at puntahan ang nakakarelax na ilog na ito sa Norzagaray.






BIT-BIT RIVER  






       Isa pa ito sa mga ilog sa Norzagaray na dinarayo ng mga tao katulad ng bakas. Malayo ito sa Poblacion ng  Norzagaray pero napakaganda rito, nakakarelax din ang maligo dito dahil sa fresh ang tubig dito. Malapit ito sa Angat Dam. Makikita ang ilog na ito sa tulay ng San Lorenzo, mahaba ang tulay na ito. Ang Bit-Bit River ay matatagpuan sa Hilltop. Puntahan niyo na ang ilog na ito at makakalimutan niyo ang mga problema niyo. 


PINAGREALAN CAVE 





        Noong 1896 sinasabing dito nagtago ang mga katipunero laban sa mga Espanyol at naging taguan ulit noong 1898 ni General Emilio Aguinaldo (unang pangulo sa Pilipinas). Ito din ay naging libingan ng mga Japanese Imperial Army at mga Pilipino na walang awang pinatay. Isa ito sa mga kwebang dinarayo pa ng mga nasa malalayong lugar. Malayo rin ito pero napakasarap ng feeling kapag naandoon ka na dahil napakalamig sa loob ng kweba na ito at nakakarelax. Kaya pumunta na at bisitahin ang isang makasaysayang kweba na ito. 


St. Andrew's Parish Church 




       Upang magpasalamat sa ating Panginoon sa mga magagandang kalikasan na ibingay niya sa atin ay meron ding mga bahay sambahan na matatagpuan sa Norzagaray, isa na rito ay ang St. Andrew's Parish Church. Matatagpuan ito sa Poblacion ng Norzagaray. Nasunog ito dati pero ito ay muling itinayo. Kailangan natin laging magsimba at huwag natin kakalimutan ang ating Panginoon na lumikha sa atin at sa mga napakagagandang tanawin sa ating paligid.


Ipo Dam


          


          Ang Ipo Dam ay isang concrete water reservoir na natagpuan sa Pilipinas. Ang Dam na ito ay natagpuan sa 7.5 km sa ibaba ng agos ng Angat Dam sa Norzagaray,Bulacan. Ito ay bahagi ng Angat-Ipo-La Mesa water system. Ang Normal nitong taas ay 110 m. Maganda ng tubig dito at nakakarelax panoorin. Pumunta na kayo at silipin ang aming Dam. 



Munisipyo ng Norzagaray

          



          Ito ang munisipyo ng Norzagaray, Bulacan. Dito matatagpuan ang mga nahalal na mga pinuno sa Norzagaray. Dito mo rin mahahanap ang lahat ng tungkol sa Norzagaray dahil nandito ang lahat ng mga dokumento tungkol sa aming lugar. Meron ding park dito na pwedeng pasyalan, pwede rin mag bike dito, magbonding ng inyong pamilya, o mga kaibigan. 





       Minsan may mga bagay na hindi natin napapansin o binibigyang pansin na ipinagkaloob sa atin. Sana ang mga Kalikasan na ibinigay sa atin ng ating Panginoon ay ating pangalagaan. Iyan po ang mga nakuha naming impormasyon tungkol sa lugar na Norzagaray, Bulacan. Sana ay nagustuhan niyo ang aming lugar at subukang pumunta rito upang makita ang mga magagandang pasyalan dito sa Norzagaray, Bulacan. 



"Proyektong Panturismo" 
Bilang Pinal na Kahingian sa Filipino 7


Gng. Rocel G. Desierto
Gurong Tagapayo


Ikatlong Grupo

Jamaica Jones Bernardino
Rica Marie Punzal
Antonnette Faith Sarmiento
Clarisse Anne Dela Cruz
Ma. Sophia Perez
Ricaella Cruz
Mariella Ubongen
Edrix Nicolas
John Angelo Castillo 






Maraming Salamat po, Pagpalain Kayo Ng Panginoon ...